Launchorasince 2014
← Stories

Paano?

Paano mo ba sasabihing masakit na,
Nang hindi ka makakasakit ng iba?
Paano mo ba sasabihing "ako naman",
Nang hindi para bang nagiging makasarili ka na.
Paano mo ba sasabihin ang nadarama,
Nang hindi natatakot na ito'y balewala lamang.
Paano?

Paano mo ba sasabihing "pakinggan mo ako",
Kailangan ba lumuhod pa at magmakaawa sayo?
Paano mo ba sasabihing "ikaw lang kailangan ko",
Nang hindi lumalabas na parang di ka kuntento?
Paano mo ba sasabihing ayaw mo ng gulo,
Nang hindi mangangamba na basta sya sumuko.
Paano?

Paano mo ba sasabihing tama na?
Nang hindi ka pag-iisipan na pagod ka na.
Paano mo ba sasabihing laban lang?
Nang hindi para bang napakadali lang ng lahat.
Paano mo ba sasabihing "andito ako",
Nang hindi natatakot na hindi ka sapat para sa tao.
Paano?

Paano kay hirap naman nito?
Tangina! Litong lito na ako!
Paano ba ako napunta sa ganito?
Lalong paanog makakatakat at makalalaya dito?
Paano ako makakaligtas sa sakit na dulot nito?
Nang hindi parang sa sakit malalagot hininga ko?
Paano?

Paano mo ba lalaban lahat ng ito?
Kung ang hirap laban ng nadarama ng puso.
Paano mo makakayanan lahat ng ito?
Kung mag-isa ka lang sa pagkakataon na ito.
Paano mo lalagpasan ito?
Kumapit ka sa Dyos at sa pagmamahal na andyan sa puso mo.