Mga panahong palagi kong sinasabi,
Sinasabi na mahal kita.
Mga panahong palagi kong hinihiling,
Hinihiling na tayo na talaga.
Binabalikan ko na walang halong pait,
Ni walang halong galit,
Kahit na gaano pa noon lahat kasakit,
Dahil naisip kong tama ng itanong kung bakit.
Bakit ka di masaya?
Kung bakit ginusto mo kumilala ng iba?
Bakit parang kulang pa?
Sabi ko tama na kasi baka talagang tayo'y di tinadhana.
Pinili kong bitawan,
Kahit na ako'y nahihirapan.
Kailangan kasi, dapat ng wakasan,
Pati mga pangarap na wala ng kinabukasan.
Hindi ko alam pano ko kinaya,
Siguro kasi puso ko kusang napagod na.
Kung tayo kasi, di na dapat magmakaawa pa,
Na wag kang umalis at humanap pa ng iba.
Hindi ko alam pano ko kinaya,
Pero isa yun sa bagay na pinagmamalaki ko pa.
Kasi hindi ko hinayaan lalong magpakatanga pa,
Sa taong sa akin wala ng pagpapahalaga.
Balik tanaw ito sa nakaraan,
Nakaraang kay sarap rin balikan.
Hindi dahil masaya masaktan,
Kundi dahil ang Dyos di ako pinabayaan.
Binigyan nya ko ng dahilan,
Dahilan para mas lumaban,
Dahilan para mas pahalagahan,
Buhay ko at lahat ng andyan nung ako'y kanyang iwan.