Launchorasince 2014
← Stories

Dumating Ka Na Ba?

Dumating ka na ba
Sa puntong parang wala ng pag-asa
Puso mo napupuno na
Nang takot at pag-aalala.

Dumating ka na ba
Sa puntong parang pagod na talaga
Katawan mong nanghihina
Na parang wala ng lakas magpatuloy pa?

Dumating ka na ba
Sa puntong parang mag-isa ka na
May ibang kasama at nakakasama
Pero pakiramdam ay nag-iisa ka?

Dumating ka na ba
Sa puntong parang gusto mong mawala
Mawala na parang bula
Walang pagsasabihan kahit isang salita?

Dumating ka na ba
Sa puntong ang meron ka ay tanging luha
Tinatago ang sakit na nadarama
Ngumingiti kahit di na kaya pa?

Dumating ka na ba
Sa puntong sinabi mong "tama na"
Na di mo na kaya pa
Pero pag bitaw di mo magawa?