Launchorasince 2014
← Stories

Gusto Kong Maging Ilaw.

Gusto kong maging ilaw
kasi gusto kong ipakita yung daan
kung saan ka giginhawa
dahil di ko kayang makita na nahihirapan ka.

Gusto kong maging ilaw
kasi gusto kong makita mo
na ang dami mo pang pwedeng gawin
dahil malayo pa ang iyong mararating.

Gusto kong maging ilaw
kasi gusto kong mapagtanto mo
na di pa huli ang lahat para mag-umpisa ka
dahil di ko kayang sukuan mo ang iyong pangarap.

Gusto kong maging ilaw
kasi gusto kong makalaya ka
sa dilim na dulot ng lahat ng iyong paghihirap
dahil karapat-dapat kang magkaroon ng panibagong simula.

Gusto kong maging ilaw
kasi gusto kong lumaban ka
sa lahat ng gustong hilahin at sirain ka
dahil gusto kong maging matatag ka at umunlad sa buhay.

Gusto kong maging ilaw
kasi alam ko gaano kahirap
yung makulong sa dilim at mawalan ng pag-asa
at dumating sa punto na susuko na.

Gusto kong maging ilaw
para makita mo iyong halaga
at mahalin ang sarili iyong pag-aralan,
para ikaw naman ang maging ilaw para sa iba na nangangailangan.

Gusto kong maging ilaw
kasi gusto kong wag kang mawala,
gusto kong matulungan ka,
gusto kong maging liwanag para mas mabuhay ka.