Ikaw yung dating dinadasal ko lang,
Na dumating sa akin at ibigay ng Maykapal.
Yung dinadasal kong makakasama ko,
At tatanggapin lahat sa isang tulad ko.
Ikaw yung dating pinapangarap ko lang,
Na magmamahal sa akin ng totoo.
Yung pinapangarap kong mamahalin ako,
At di susukuan kahit gaanong kahirap pa yung mundo.
Ikaw yung dating hinihiling ko lang,
Na makikita ako bilang ako at tatanggapin ng buong buo.
Yung hinihiling kong ipaglalaban ako,
At ipagtatanggol sa lahat ng pwedeng manggulo.
Ikaw yung inuukit ko lang,
Na mahahawakan ko at di ako iiwan.
Yung inuukit ko sa puso ko,
Na kahit anong mangyari kasama ko sa tabi ko.
Ikaw yung inaasam-asam ko lang,
Na mayayakap sa tuwing nanghihina na.
Yung inaasam ng isang ako,
Na hinding-hindi sa akin ay susuko.
Ikaw yung lahat ng hinahanap ng isip ko,
Yung lahat ng gusto ng puso ko,
Yung lahat ng mabuti sa buhay ko,
Yung dating iniisip kong imposible na mamahalin at sasamahan ako.