Kapag sinabi mong mahal mo sya,
Sana ito'y tototoo talaga,
Hindi biro ang iyong mga salita,
Lalong di laruan ang kanyang nadarama.
Kapag sinabi mong mahal mo sya,
Kaakibat nun na ika'y tapat sa kanya,
Tulad na nais mong ikaw lang ang nag-iisa,
Na mamahalin nya ng wagas at sobra-sobra.
Kapag sinabi mong mahal mo sya,
Di pwedeng agad-agad susukuan mo sya,
Pagdating ng problema dapat mas matatag ka,
Hawak kamay nyang lalagpasan ang problema.
Kapag sinabi mong mahal mo sya,
Nararamdaman nya wag mo balewalain basta,
Na para sayo ito'y walang halaga,
Alagaan mo sya at isipin ang makakabuti sa kanya.
Kapag sinabi mong mahal mo sya,
Tanggapin mo lahat-lahat ng tungkol sa kanya,
Pangit, kahinaan o karanasang di kaaya-aya,
Lahat ng yun ay sya na mamahalin ka na di katulad ng iba.
Kung mahal mo sya at mahal ka rin nya,
Lahat ng bagay inyong makakaya,
Sa tulong ng Dyos na ating bathala,
Hanggang dulo kayo ang magiging magkasama.