Launchorasince 2014
← Stories

Magpakailanman.

Para sa mga salitang iyong tinuran,
Mga salitang nagbigay sa akin ng kalakasan.
Sa mga gabing iyong hinagkan,
Para hindi sumuko ng tuluyan.

Sa mga oras na lagi kang andyan,
Sa panahong hindi mo ako pinabayaan,
Lahat ng yan aking natatandaan,
Pagka't ika'y aking lubos na pinapasalamatan.

Dahil ikaw lagi akong hinahawakan,
Di pinaparamdam na iyong bibitawan,
Bagkus laging iyong ipinaglalaban,
At pinapakita na ako'y sobra mong pinahahalagahan.

Kaya kahit anong hirap ang nasa harapan,
Lahat ng iyong ginawa lagi kong tatandaan,
Dahil sayo natuto na mas lumaban,
Mas pinatatag lamang ang pagmamahalan.

Kahit kailan man, hinding hindi kita kalilimutan,
Hindi basta-basta ganun na lang susukuan,
Dahil ikaw ang laman ng aking puso't isipan,
At ang gustong makasama magpakailan pa man.