Launchorasince 2014
← Stories

Pagsasamahang Walang Katulad.

Para ito sa ating mga nabigo,
Pero nagawang bumangon,
Dahil may mga taong tumulong,
Para tayo'y makabangon.

Para sa mga taong hindi napagod,
Na palaging gabayan tayo,
Na huwag tayong basta sumuko,
At paalalahang andito sila para tumulong.

Para ito sa isang samahang subok ng panahon,
Samahang nalagpasan na ang mga hamon,
Samahang pinatatag ng mga problema,
Samahang tinakdang mas lalong tumagal pa.

Para ito sa nahanap na pagkakaibigan,
Sobrang pinahahalagahan ang samahan,
Di man palaging magkasama,
Tumagal dahil ito'y hindi lamang samahang basta-basta.

Isang biyaya ang maranasan,
Na makahanap ng totoong kaibigan,
Pagkakaibigang balot ng tiwala at pagmamahalan,
At hindi ng pangsariling kagustuhan.

Pagkakaibigang di nadala ng salita,
O ng mga matang mapanghusga,
Pagkakaibigang sinubukan buwagin ng iba,
Pero nanatiling maayos at magkakasamang masaya.

Maging malayo man sa isa't isa,
Samahang ito hindi basta mag-iiba,
Pangarap nila isang araw magkasama-sama,
At patuloy na harapin ang buhay ng di nag-iisa.

Para ito sa mga kaibigang palaging andyan,
Kaibigang pamilya na ang turingan,
Distanya at oras hindi sukatan,
Pagka't sa puso alam ang totoong nararamdaman.

Para ito sa samahang di mapapantayan,
Nang kahit anong materyal na bagay o ano pa man.
Samahang pinatibay ng lahat ng pinagdaanan,
Isang pagkakaibigan na walang hangganan.