Patawarin mo ako,
Sa lahat ng isusulat ko,
Kailangan ko na kasing ilabas lahat ng ito,
Para gumaan pakiramdam ng aking puso.
Patawarin mo ko,
Kung sumuko na ako.
Na hindi ko na sinakyan kalokohan mo,
O nabigay lahat ng iyong gusto.
Patawarin mo ako kung ika'y binigo,
Dahil hindi ako naging sapat sayo,
Na ginusto kong tuluyan lumayo,
Kasi hindi na ako ang nagpapasaya sayo.
Patawarin mo ako,
Kung pinili kong tumayo,
Sa sariling paa at paniniwala ko,
Na para sayo'y di tama at di mo nirerespeto.
Patawarin mo ko kung ako'y nagbago,
Kung pinili kong magbago,
Para umayos ang buhay ko,
Na paulit ulit mo na lang ginugulo.
Patawarin mo ako,
Kung sa buhay ko wala ka pwesto,
Nung pinalaya ka ng puso ko,
Malaya na ako sa pasakit mo.
Patawarin mo ako kung aking napagtanto,
Na iba na rin ang gusto ko.
Pinili ko ang sarili at kinabukasan ko,
Na ilang ulit kong para sayo sinakripisyo
Patawarin mo ako,
Kung di na ako aso.
Dahil di na ako susunod pa sayo,
O papaapekto sa mga salita mo.
Patawarin mo ako kung ngayo'y masaya na kong totoo,
Na malaya na sa mga alaala nyo.
Hindi naging madali lahat ng ito,
Pero ito ang huling liham ko para sayo.