Piliin mo yung taong pipiliin ka,
Kahit ang daming pwedeng piliing iba.
Piliin mo yung taong sasamahan ka,
Kahit na may pwede syang puntahang iba.
Piliin mo yung taong pipiliin ka,
Kahit na minsan hirap syang unawain ka.
Piliin mo yung taong papakinggan ka,
Kahit minsan paulit-ulit ka na.
Piliin mo yung taong pipiliin ka,
Kahit na pinagtutulakan mo na sya.
Piliin mo yung taong ipaglalaban ka,
Lalo na pag hinang hina ka na.
Piliin mo yung taong pipiliin ka,
Kasi yun ang nagpapasaya sa kanya.
Piliin mo yung taong papatawanin ka,
Kasi sa tawa mo lalong nahuhulog sya .
Piliin mo yung taong pipiliin ka,
Kahit na di ka kapili-pili na.
Piliin mo yung taong hahawakan ka,
Kasi hindi ka nya iiwan mag-isa.
Piliin mo yung taong pipiliin ka,
Kasi sobrang mahalaga ka.
Piliin mo yung taong poprotektahan ka,
Kasi ayaw nya na masasaktan ka.
Piliin mo yung taong pipiliin ka,
Kasi ikaw yung minamahal nya ng sobra.
Piliin mo yung taong pipiliin ka,
Kasi ikaw lang yung gusto nyang makasama talaga.