Sa aking pag-iisa,
Naiisip bakit minsan ang hirap mabuhay pa.
Sa aking pag-iisa,
Naiisip na kailangan mas pakatatag pa.
Sa aking pag-iisa,
Nalulunod sa emosyong nadarama.
Sa aking pag-iisa,
Nakukulong sa pinag-iisipang bagay ng sobra.
Sa aking pag-iisa,
Hinihiling na meron makasama.
Sa aking pag-iisa,
Nilalabanang pilit mga bagay na di maganda.
Sa aking pag-iisa,
Nababalot ng pag gunita.
Sa aking pag-iisa,
Inaasam ay mas mabigyan ng lakas at pag-asa.
Sa aking pag-iisa,
Naiisip kung nadarama ba'y tama.
Sa aking pag-iisa,
Tinatanong kung ako ba'y magiging sapat na.
Sa aking pag-iisa,
Hinahanap liwanag mag-isa.
Sa aking pag-iisa,
Sinasabi sa sariling, "kakayanin ko kaya laban pa!".