Para ito sa mga di daw sapat,
Na para bang walang kayang maibigay.
Para ito sa mga di daw karapat-dapat,
Dahil sa mga bagay na kulang na kulang sa kanya.
Para ito sa inyo at sa angking ganda nyo,
Sa puso nyong nagmamahal ng totoo,
Sa malalim na pagpapahalaga nyo,
Wag kayo sumuko, may taong makakakita ng lahat ng meron kayo.
Para ito sa inyo at sa lahat ng kaya nyo,
Wag kayong titigil na abutin ang pangarap nyo.
Mas pahalagahan nyo ang inyong sarili,
May mas magandang bagay na kayo'y makakamit.
Para ito sa inyo, para mas maitulak kayo,
Na wag tumigil at mag pakatatag pa kayo.
Mga salita nila'y gamitin nyo,
Para mas lalong maging mabuting tao.
Para ito sa inyo at sa magandang bukas na naghihintay sa inyo,
Kapit lang kayo at wag tumigil sumubok,
Nasaktan ka man pero ika'y makakabangon,
Mas magiging matatag sa anumang hamon.
Para ito sa inyo na minsang nagtanong,
Kung ano bang kulang sa iyo,
O kung sadyang ito ang nakatadhana sayo,
Maganda ka yan at yan ang totoo - sapat ka para sa tao.
Para ito sa inyo na minsang ginustong sumuko,
Pagmamahal na nasa iyong puso,
Mabuting intensyon mo para sa tao,
Yan ang pinakamatibay na sandata mo.
Para ito sa inyo na lumalaban pa lalo,
Lahat ng sakit ay maglalaho,
Bagong pag-asa ay naghihintay sayo,
Maniwala ka lang lalo sa sarili mo.
Para ito sa iyo,
Ngiti ka na at maniwala sa Dyos,
Ikaw ay sapat at karapat-dapat,
Para sa mga taong tanggap ka at di kelan man iiwan.